Friday, December 4, 2009

Angel Locsin is "very proud" that she was able to represent RP at the International Emmys


Balik-bansa na si Angel Locsin matapos ang kanyang naiibang karanasan sa New York sa pagdalo niya sa 37th International Emmy Awards, kung saan na-nominate siya bilang Best Actress para sa Lobo, ang kauna-unahan niyang teleserye nang lumipat siya sa ABS-CBN. Bagama't hindi niya naiuwi ang tropeyo ay proud pa rin si Angel sa kanyang nominasyon. (CLICK HERE to read related story.)



Sa panayam sa kanya ng The Buzz kahapon, Nov. 29, ay sinabi niyang: "Kakaiba, kakaibang experience talaga siya na it's nice na makalabas ako sa box. Kasi dito, iba yung culture, iba yung approach nila. Marami akong bagay na natutunan. Well, hindi naman ako magpapaka-plastic, siyempre mas magiging masaya ako pag nanalo talaga ako. Pero aarte pa ba ako, Julie Walters [veteran British actress] yung nanalo! Just to be in the same league with some of the finest and respected actresses in our generation, or sa buong mundo, is something that I can really be proud of.



"Mabuhay ang mga Pilipino! Kahit papaano I'm very proud na na-represent ko ang Pilipinas."



Marami rin ang pumuri kay Angel sa kanyang kagandahan during the red carpet event. Certified headturner man ang aktres, nagpaka-humble ito at piniling purihin ang kababayan na gumawa ng kanyang glamorous gown.



"Proud ako siyempre Filipino designer siya, si Michael Cinco, yung gumawa ng gown ko. Punung-puno siya ng Swarovski. Siyempre happy ka na na-appreciate ng mga tao yung gawa ng Pilipino," sabi niya.



Hindi naman maiwasang tanungin si Angel tungkol sa ex-boyfriend niyang si Luis Manzano, lalo na't napabalitang tinawagan daw siya ni Luis Manzano during the awards night. Kinumpirma naman ito ni Angel.



"Binati niya ako nung sinabi ko na parang ano nga... right after ma-announce na si Ms. Julie Walters ang nanalo. Sinabi niya parang, 'It's okay by just being there.' Pero huwag na kayong mag-isip ng iba!" natatawang dugtong ni Angel.



WINNING QUALITY. Bukod sa karangalan ng pagkaka-nominate sa International Emmy Awards, isa sa winning qualities ni Angel na sinasang-ayunan ng buong bayan ay ang kanyang taus-pusong pagtulong sa mga nangangailangan.



Matatandaang mag-isang kumilos si Angel noon para tumulong sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy. Hindi pa natatapos iyon doon dahil inilunsad din niya, kasama ang kaibigang si Anne Curtis, ang Shop and Share na nangangalap ng mga gamit ng celebrities para sa online bidding at ang kikitain dito ay mapupunta sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.



Labis naman ang pasasalamat ng aktres sa mga taong nakaka-appreciate sa ginagawa niyang pagtulong.



"Thank you, thank you. Masaya. Siyempre yung ma-appreciate ka na hindi lang yung nakikita nila sa TV, di ba? Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero salamat, salamat. Hindi ko talaga alam... speechless talaga ako. Pero happy ako na nakikita ka ng tao na hindi lang yung inaarte mo sa camera kundi kung paano ka talaga [bilang tao]."


Source

No comments:

If you like this site, please buy me a meal.