Saturday, November 21, 2009

Anne Curtis and Angel Locsin nearing P1 million target through Shop and Share


Ang young actress na si Anne Curtis ang naging ka-partner ni Angel Locsin nang maisipan ng huli na buuin ang Shop and Share auction na makikita sa eBay.ph. Sinimulan nila ito noong halos kasagsagan pa ng bagyong Ondoy at Pepeng at ngayon, ika-third batch na raw itong pagri-release nila ng mga items in cooperation with the Philippine Red Cross. Isa sa mga items ay galing kay Manny Pacquiao.



Kagabi, sa launching ng Shop and Share sa 4th floor ng Gateway Mall, naikuwento ni Anne kung paano nagsimula ang worthy cause na ito.



"Actually, for a while kasi, hindi namin plano to go super multimedia about it. Parang okey na kami by word ng Twitter namin or mga Facebook, mga ganyan. Makapag-guest kami kung saan-saan basta ma-announce lang. Sobrang okey na kami ru'n.



"And then, yung eBay nilapitan namin kasi medyo nahirapan na kami sa listing, kasi napaka-specific nila. Tapos yun, na-approach naman namin, may letter ng Red Cross, so tumulong pa sila."



ANGEL'S INSPIRED IDEA. It was really Angel who thought of Shop and Share first.



"Si Angel ang tumawag sa akin. Tapos, tinanong niya ako kung gusto ko raw ba yung mga auction-auction ng bags. Siyempre, gusto ko 'yan, forte ko 'yan, e," natatawang sabi ni Anne. "Tapos yun na, after, super nag-brainstorming na kami kila Ate Kris [Aquino] kung paano namin gagawin.



"Then, yun nga, online ang napagdesisyunan namin. Si Ate Kris ang nag-suggest na online bidding na lang."



Masayang-masaya sila sa naging turnout ng ginawa nila.



"It really, really worked out in a way na parang people not only give their help, meron pa silang gamit na in good condition pa."



Ayon kay Anne, $15,000 na ang inaabot ng sales nila at may mga pending items pa na isusubasta. Target daw sana nilang kitain through their fundraising campaign ay one million pesos.



Itutuloy-tuloy na ba nila ang pag-o-auction ng mga celebrity items sa eBay?



"Well, only until we have certain items siguro. Pero, after nu'n, wala na. Basta for the love of na lang... sana next year maulit. Sana not because [of] another typhoon but merely because makatulong na lang."



Nakapag-bond nang husto ang dalawang pasimuno ng fundraising activity dahil inaabot minsan ng 4:30 a.m. sina Angel at Anne sa pag-aasikaso nito.



FRIENDS WITH SAM. Ibinalita ni Anne na sisimulan na raw ang pelikula nila ni Sam Milby under Star Cinema na ang Maybe It's You, at sa TV naman ay uumpisahan sa January ang taping ng bago nilang soap opera.



Balik-tambalan na sila ni Sam sa telebisyon at pelikula. Balik-tambalan na rin ba in real life?



"Talagang napunta tayo ru'n 'no?" natatawang sabi ng aktres. "Basta as of now, we'll just see kung saan mapunta. As of now, happy naman kami. We're just enjoying at hindi namin minamadali talaga.



"Admittedly, sinabi naman namin na we're not closing our doors, di ba? At saka, ang tagal din... almost one year na hindi kami... I mean, huwag naman nating madaliin. Maganda na yun para hindi magkamali ulit."



Shortly after her car accident, bumalik sila sa pagiging okey ni Sam. Nakakalabas at nakakapagtawagan na sila.



"I think, ang maganda lang, at least ngayon, hindi na kami yung, o, basta free day, tayo lang dalawa ang magkasama. Meron na kaming... meron pa rin akong life."



Wala raw siyang ibang dine-date kaya masasabi bang exclusively dating na sila ni Sam?



"Yeah, dating in a way, pero, hindi yung exclusively dating. I mean, we'll see where it goes. Hindi yung parang in-a-relationship dating."



So puwede pa siyang makipag-date with other guys?



"Well, alam mo, if you really think about it, puwede, e. But I'd rather not."



TAKING THINGS SLOWLY. Hindi itinanggi ni Anne that there was a time that she was exclusively a non-showbiz guy.



"Totoo yun... totoo yun. I was exclusively dating na at yun ang exclusively dating!" pagbibigay-diin niya.



Pero wala na raw ngayon yun. We asked her kung posibleng nagselos si Sam sa guy na ito, at napag-isip siya, kaya ngayon ay okey na uli sila ni Anne?



"Ows, totoo?" nakangiting sabi ng dalaga. "E, palagi niya ngang sinasabi that I'm happy for you. Si Sam naman, na-meet niya lang ang guy, pero hindi naman niya ka-close. Si Sam naman, sa tingin ko, mukha namang happy siya for me at that time. Siguro rin kasi at that time, nilagyan ko rin ng wall ang self ko na parang hanggang ganun lang."



Ngayon ba, masaya siya that obviously they are together again—kahit ayaw pa niyang bigyan ng label ito?



"Of course, I'm happy," nakangiti niyang sabi. "But yun lang muna... let's take it slowly."


Source

No comments:

If you like this site, please buy me a meal.