Tuesday, November 3, 2009

Angel Locsin clarifies rumored transfer to Viva


Isa sa tatlong matitinding sorpresa sa advance birthday celebration ni Boy Abunda sa The Buzz last Sunday, October 25, ang live guesting ni Angel Locsin sa show. Sa October 29 pa ang birthday ng King of Talk pero nagsilbing maagang regalo ang muling pagharap ni Angel kay Boy para sa isang madibdibang interview.



Matatandaang kalilipat lang ni Angel from GMA-7 to ABS-CBN noong August 2007 at ipinagkatiwala niya ang kanyang kauna-unahang panayam bilang Kapamilya sa The Buzz. Ang una niyang nakaharap, iniyakan at nakausap nang masinsinan sa telebisyon ay si Boy. Mula noon, isang magandang samahan na may tiwala at respeto ang nabuo sa pagitan ng aktres at ng TV host.



Sa bawat kontrobersiyang kinasasangkutan, sa bawat isyung ipinupukol sa kanya, laging may soft spot sa puso ni Angel para sa kanyang Tito Boy. At noong Linggo ay naganap nga ang kanilang muling paghaharap.



Bago nagsimula ang interview ay kaagad na binati ni Angel si Boy, "Na-miss ko kayo, Tito Boy, happy birthday!"



Mabilis namang pinasalamatan ni Boy si Angel at sinabi pang malaking bagay para sa kanya ang pagpunta ni Angel nang hapon na iyon sa The Buzz.



SHOP AND SHARE. Sinimulan ni Boy ang interview kay Angel sa pagkumusta sa inilunsad na proyekto ng aktres na Shop and Share, kung saan nangalap sina Angel ng mga gamit ng mga celebrities na ipinapa-auction. Ang perang mula sa nabiling mga items ay ibibigay sa mga biktima ng nagdaang bagyong Ondoy at Pepeng.



Boy: Kumusta naman, how is it doing, yung Shop and Share?

Angel: Sobrang nakakatuwa na... kasi yung iba nagrereklamo na ang mahal daw nung bidding. Pero yung binigay kasi naming starting price sobrang baba, as in nasa one-fourth lang yata nung original price. Pero dahil ang mga tao, sa kagustuhang tumulong kahit na lumalampas na siya dun sa original price niya, dun sa brand new price niya, basta makatulong, bid lang nang bid.



Boy: As of now ba, Angel nakamagkano na kayo?

Angel: Natapos na po natin yung first batch natin sa Shop and Share, meron tayong pina-bid na pitong items. Ngayon nag-e-expect po kami na makakakuha kami ng... kasi nabili na po, e, mga nasa twelve thousand dollars na po. 'Tapos ngayon po magre-release kami... kasi yung iba ang akala puro mga mamahaling gamit lang. Pero kasi, sa amin kasi, mas gusto namin yung, 'Eto, espesyal na gamit namin. Ibibigay namin para lang makatulong.'



Nilinaw rin ni Boy na wala sa presyo kung gaano kamahal ang items na ipinagbibili kundi kung gaano kahalaga ang mga ito sa mga artistang nagmamay-ari ng mga gamit. Agad naman itong sinang-ayunan ni Angel.



Boy: Angel, tanong ng bayan, you've been doing a lot quietly, consistently mula noong... bago pa nga mag-Ondoy e, you've been doing a lot of things for this country, for the community. Ang tanong, why are you doing this?

Angel: Why? Actually, Tito, sa akin kasi parang, bakit hindi, e, obligasyon natin bilang Pilipino na tumulong sa kapwa natin Pilipino, di ba? I mean, siyempre, kung ako yung nakalagay dun sa ganung sitwasyon, nag-e-expect din ako na meron akong kamay na mahahawakan. Ganun lang, parang kung ano lang yung kaya kong ibigay sa kapwa ko. Ang mga taong ito, sila ang naglagay sa akin kung nasaan ako ngayon, bakit hindi ko kayang suklian?



ALMOST SHIFTED CAREER. Isang malaking rebelasyon naman ang sumunod na pahayag ni Angel.



Boy: Angel, itong karanasan mo, itong pagtulong ninyo... I like it when you said kayo kasi instrumento ka lamang at ang ating mga kasamahan dito sa industriya. Pero ang tunay na tumutulong, kasama kayo, kasama tayo ay ang taong bayan, hindi ba? Pero itong karanasan mo sa Ondoy at saka sa Pepeng, what is life-changing? Somebody told me na parang nagbago ang iyong pananaw sa buhay?

Angel: Muntikan na akong mag-shift ng career, e. Kung ako lang po yung masusunod, ha, gusto kong mas makatulong pa. Kaya lang, siyempre, kailangan ko ring magtrabaho, kailangan ko ring kumita, para makatulong. Mahal ko rin naman itong ginagawa ko. Nag-e-enjoy rin ako. Pero parang muntikan na akong... ano kaya kung gawin ko ito every day. Kasi hindi lang ito yung problem. Hindi lang porke't dumating si Ondoy at si Pepeng, nagkaroon tayo ng problema. Kahit noon marami na tayong problema.



NOT TRANSFERRING TO VIVA. Sumunod na nilinaw ni Angel ang intrigang lilipat na siya ng Viva from Star Cinema. Diumano'y nakipag-meeting na raw siya sa excutives ng Viva.



Boy: Pero habang ginagawa mo ang lahat ng magagandang bagay dito sa iyong buhay at para sa kapwa nating Pilipino na nagangailangan ng tulong ay hindi ka pa rin tinitigilan sa mga intriga. Ang pinaka-latest, ikaw raw ay lilipat ng Viva at naghiwalay na naman daw kayo ng iyong manager na si Becky Aguila, na nandito ngayon sa studio. Iiwan mo na raw ang Star Cinema. Once and for all, sagutin mo 'yan.

Angel: Akala ko noong una, parang joke. Pinagtatawanan ko pa nga siya kasi ang tagal ko na kasing hindi nagtatrabaho, di ba? Sinabi niya [Becky] sa akin, 'tapos natawa lang ako. 'Tapos nabasa ko na nga sa diyaryo. Hindi naman natin siguro masisisi yung taong nagsulat noon kasi ang tagal na niya akong hindi nakikita sa TV.



Pero, hindi po, wala pong katotohanan yun. Naging friends lang po kami sa Facebook ni Ma'am Veronique [del Rosario, Viva Films executive]. Pero wala naman pong ganun. At saka kagagaling ko lang po sa isang matinding transfer. Parang wala po akong plano na pagdaanan ulit yung mga pinagdaanan ko noon.



Boy: Ang iyong proyekto with Aga Muhlach, kumusta naman?

Angel: Hindi po, kasi... pero sabi po ng Star Cinema, 'eto pong November, baka matuloy... or next year. Gusto ko po kasing makatrabaho si Kuya Aga po.



OPEN TO DO A REGAL FILMS MOVIE. Alam na ng lahat ngayon na si Heart Evagelista ang magiging anak ni Sharon Cuneta sa Mano Po 6, under Regal Entertaiment. Una ngang kumalat noon na gusto ni Sharon ay si Angel ang gaganap bilang anak niya. Pero hindi nga natanggap ni Angel ang movie dahil na rin sa exclusive contract niya sa Star Ciema.



Boy: Wala bang panghihinayang kahit konti?

Angel: Siyempre meron. Hindi naman ako magpapaka-plastic, kasi meron, e. Alam naman ng lahat na siya talaga ang gusto kong makatrabaho personally, si Ms. Sharon, gustung-gusto ko siyang makatrabaho.



At saka pinakiusapan ko talaga si Tita Malou [Santos , Star Cinema executive] at ang Star Cinema. Pumayag naman siya na maayos na yung lahat sa amin ni Mother [Lily Monteverde]. Kahit na anong gawin n'yo, Regal baby pa rin talaga ako. At gusto ko lang sanang maayos yun na, sige, gagawa ako ng pelikula, kahit nga libre.



Kaya lang siguro... bubusina lang ako kay Heart, ha, wala akong... I'm happy for her, pero siyempre parang mas may bagay dun sa role, ganyan. Mas napili lang siguro nila Mother. Pero anytime naman bukas lang din po ang pinto ko. Sana lang huwag magsarado yung pinto n'yo.


Boy: Puso mo, kumusta naman ang lagay?

Angel: Okay naman siya. Hello. [sabay tingin sa kanyang dibdib.]



Boy: Daddy mo, kumusta?

Angel: Okey naman si Daddy. Ayun, nandun pa rin, nagba-bike sa bahay. Sobrang healthy pa rin siya. Binabantayan niya yung savings ko ngayon. Si Daddy, nakakatuwa kasi pinaplano niya lahat, yung investments ko, ganun. Para in the future kung hindi man ako magtagumpay dito sa ginagawa ko, meron akong mapaghuhugutan.



ANGEL SURPRISES BOY. Akala ng lahat ay tapos na ang interview pero may biglang ipinakiusap si Angel kay Boy.



Angel: Tito Boy, puwede bang humirit. Kasi parang lagi lang ikaw yung may tanong. Puwede bang ako naman ang magtanong sa iyo?

Boy: Teka muna, ha. Sorpresa ito.

Angel: Hindi naman kita papaiyakin. Pero okey lang, Tito Boy, feel free lang. Kasi di ba parang lahat, wala akong maisip na hindi pa dumaan sa iyo Tito Boy, di ba? Parang lahat nakaharap mo na at naitanong mo na halos lahat. Pero ano po kaya kung mag-isa ka lang, nakatingin ka sa 'Salamin,' tahimik ang lahat, nakatingin ka sa malayo, ano kaya yung isang tanong na tinatanong mo sa sarili mo, Tito Boy?



Boy: Wow... may mga panahon kasi, Angel, na kahit gaano ka kalakas, kahit gaano ka katapang, may mga bagay na hindi mo kaya. So, may mga bagay na hindi ka sigurado. May mga bagay na kahit anong gawin mo, hindi ka puwedeng lumaban.



Ako pag mag-isa na lang ako, dalawang bagay. Una, parang when you're so blessed, I ask God na parang hanggang kailan ba ito? Pero you always say, I must have done something good in my life, to deserve all the blessings. Pangalawa, ay walang iyakan, ha. But no, I always ask God. I always say, hindi tanong, sinasabi ko sa Diyos na sana'y pahabain pa ng konti ang buhay ng Nanay [Lesing].



Angel: Bago ko tanungin ang birthday wish, sobrang na-touch naman ako doon.

Boy: Alam mo, I stop wishing for myself. Dahil wala na akong mahihiling pa, di ba? Parang basta masaya lang at malusog ang aking ina, at sana'y masaya at malusog ang lahat ng nanay sa Pilipinas, at sa buong mundo. Dahil pag masaya at malusog ang nanay ko, parang masaya at malusog na rin ako. That's a wish.



Pangalawa, kapayapaan ng loob, katahimikan, dahil sobra nang maingay minsan ang ating mga mundo. Pagmamahal. And I want to be a better person, I still want to be a better person and a lot of things. I want to be better to the people. I want to be forgiving. I want people to forgive me. Sana ako'y mapatawad din ng maraming tao na minsan ako'y nagkamali.



At sana'y mapatawad tayo ng ating kalikasan na matanggal na nating binabastos. Kaya tayo'y pinarurusahan. Yun lang yung mga bagay na sumasagi sa aking isipan. I realize na ang mga wishes ko para na sa mga tao mahalaga sa akin, mahal ko. Nanay, mga kaibigan, Pilipinas, this is a time in our lives I think when we have to love this country. Mag-isa lang yan, e.



Angel: Tito Boy, sobrang nakikita ko kung bakit maraming taong nagmamahal sa iyo kasi karapat-dapat ka naman talaga. Ako, Tito Boy, yung mga pinagdanan ko noon sa mga tao, hindi ko mapagdadaanan yun ng maayos kung hindi ikaw yung nasa tabi ko noon. Maraming salamat talaga. Pero yun talaga ang mensahe.

Boy: Di ba, this is the only country we have, the only life we have..? And it is our responsibility para maalagaan ito. Kaya sana malusog tayong lahat, lahat ng mga nanay at tatay na nagmamasid sa ating pag-uusap ngayon.



Source

No comments:

If you like this site, please buy me a meal.